Sunday, February 6, 2011

Ang Di Ko Makakalimutan sa HS

Ang hindi ko makalimutan na pangyayari sa high school ay naglalaro kami ng mga kaklase ko noong grade 7 ng sipa gamit isang pagbaunan. Ilan beses na kami naglalaro ng ganyan pagkatapos ng tanghalian sa silid-aralan. Mga naglalaro naman ay karamihan ng lalaki ng klase. Ang gamit namin na "goal" ay yung pinto at ang mga rehas ng bintana. Nagkataon lang na bukas ang pinto ng araw na yun dahil nawalan ng dagitab ang paaralan. Ang pinto naman namin ay nakatapat sa terrace. Dumating naman ang oras na ang sinipa na pagbaunan ay lumipad palabas ng gusali at lumapag sa bubong ng tulayan na papunta sa himnasyo.

Dun lang namin nalaman na hindi namin yun makukuha kung hindi kami tumawag ng tagapaglinis para lang kunin yun. Pero sinumbong ng sumbungera na kamagaral namin sa punong guro. Halos walo pa naman kami nadamay dun sa insidente na yun. Kinausap kami isa-isa ng punong guro tungkul dun. Ang parusa naman sa gawain na yun ay tumayo sa labas ng opisina niya ng buong recess pagkatapos kumain ng dalawang buwan. Pero hindi yun nagpatigil sa mga kalokohan namin.